Sunday, August 07, 2016

19th Sunday Ordinary C – Tiwala ay Paghihintay



Ang pananalig ay tiwala sa mga bagay na di natin nakikita… Faith is the assurance of things hoped for. Tiwala na mangyayari ang isang bagay na inaasahan natin. Na darating din ang mga bagay bagay na ating hinihintay. (Heb.11.1) And because you believe you wait... and wait. Dahil ikaw ay nananalig, ikaw ay maghihintay.

"Ang tunay na pagibig ay nakapaghihintay"- Did you know that this line is from Balagtas' famous work: Florante at Laura.
The story starts with Florante na nakagapos sa gubat ng Albania. Maghihingalo sa pagpapahirap sa kanya at almost losing hope because his father the King was killed by the enemy Adolfo. At binihag rin nito si Laura ang love ni Florante.The only thing that keeps Florante alive is that thought that somehow, sometime magkikita rin sila ni Laura, magtiwala lang siya at maghintay. Magkikita pa kaya sila ng kanyang minamahal?"Ang tunay na pagibig ay nakapaghihintay." 


Two ladies were discussing about their love life.
L1: Ang swerte mo naman. Your boyfriend is so handsome, so rich, so kind and so romantic. Ano nagpropose na ba sya?
L2: Yes he did.  Sabi nya:  My beloved, akyatin ko ang pinakamataas na bundok,  tatawirin ko ang pinakamakapal na gubat, lalanguyin ko ang pinakamalawak na dagat para lamang patunayan ang pagibig ko sa yo…..

L1: Anyare… 
L2: Ayun break na kami… hirap maghintay… ilang taon na siyang lumalangoy sa dagat di pa dumarating.. baka kinain na ng pating yon!

Sa totoo lang allergic tayong maghintay. Mas gugustuhin pa nating kumain sa turo-turo o fastfood gaya ng chowking, jollibee kaysa yung “wait to be seated” na pagkahaba ng pila.. o kaya ay magluto ng limang oras sa bahay.  Lalo na dito sa Pinas… pagkahabahaba ng pila… sa airport, sa jeep paguwian, sa pagkuha ng mga lisensiya… kaya nga nabwisit na si Duterte at ipnastreamline na yung mga proseso sa gubyerno… kasi nakakabwisit talaga magintay sa pila di lang oras kundi minsan araw pa ang waiting.

Tingnan mo sa supermarket sa checkout, hahanapin mo ang pinakamaiksi na pila…. Minsan sisingit pa… kasi ayaw natin magantay.
Pag ikaw ay may appointment o kaya ay may date… diba di ka mapakali pag siya ay late tapos laging sinisisi ang trapik. O kaya ang iyong hinihintay ay di ka sinipot…. Kainis di ba!

O kaya yung mga single ladies na naghihintay kay Mr Right… di ba nakakainis paglagi na lang tinatanong sa iyo: "Kelan ka ikakasal?"
That's the reality of life: we have to wait... at umasa na yung ating hinihintay ay darating rin sa takdang panahon.

The gospel of today asks:  Sino ang tapat na alipin? Sa Ingles, yung faith-ful puno ng pagtitiwala. And Jesus answers:“Mapalad ang alipin na aabutang nagbabantay at naghihintay sa pagdating ng kanilang panginoon.”  

Let's go back to Florante as two hungry lions try to devour him. At that point the Persian Aladin arrives just in time to rescue him as he slays the predators. Aladin unties Florante and they share their stories. Aladin's father the Sultan in Persia wanted Aladin's girlfriend, Flerida to be his alone. Heartbroken Aladin was banished from their kingdom and waits in the forest hoping that he will meet his love once again. And the story ends when the two men discover two women talking and waiting in the same forest- Laura and Flerida. Paano nangyari yon? Aba eh basahin nyo yung libro. 

Psalm 147: "Ang Diyos ay nagagalak sa mga may takot sa kanya.  Kasiyahan niya’y labis sa mga nagtitiwala at nakapaghihintay sa matatag niyang pag-ibig."

Waiting is our destiny. We cannot bring about what we hope for, so we wait, we wait in darkness for a flame we cannot light. We wait in fear for a happy ending we cannot write. We wait for a "not yet" that feels like a "not ever." Waiting is the hardest work of hope. And believing is its motivation. - Lewis B. Smeads

May hiningi ka ba kay Lord sa panalangin? Kung natanggap mo na, mapgpasalamat. Kung hindi pa, maghintay.?

Awit/Salmo 27:14 “Magantay ka sa Panginoon! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala.”

Maniwala kayo… "yang totoo."